Sunday, July 6, 2014

BAKIT MARAMING PILIPINO ANG HINDI NAG-IINVEST?

JANUARY:  Nagbabayad pa ng utang mula nang nagdaang pasko.  Kinulang pa ang 13th month pay, daming namasko at pinapasko eh.


FEBRUARY:  Valentine’s day!  Kakain sa labas, siyempre iyong sosyal na place.  May regalo.  Tapos Chinese New Year pa nga pala.

MARCH:  Graduation Time!  Maghahanda siyempre ng bonggang-bongga!

APRIL:  Summer Vacation!  Travel dito, travel doon.  Pupunta sa beach.  Outing dito, outing doon.

MAY:  Hayyss... Enrollment na naman.  Taas na ng matrikula sa school (nagtaka pa?)

JUNE:  Simula na ng araw-araw na baon.  Kailangan din na bumili ng bagong gamit sa school, magbayad ng mga fees gaya ng school bus, uniform, at iba pa.

JULY:  Nagbabayad ka pa ng utang mo.  Kinapos ka ng Tuition, ‘di ba?
AUGUST:  Ghost Month!... Hindi magandang mag-INVEST!  Eh may Birtdeyan pa!

SEPTEMBER:  hmmm...  Mag-iinvest na sana kaya lang narinig ang... “whenever i see girls and boys selling lanterns on the street”... ‘ber’ month na pala!  Huwag muna, maraming paggagastusan sa pasko!

OCTOBER:  Naghahanda para sa Halloween.  Siyempre bakasyon ulit.  Outing!
NOVEMBER:  2nd SEM na!  Bayaran na naman sa school.  Di bale, may 13th month at bonus naman next month.  Utang muna.

DECEMBER:  Pasko na!  Kaso nagastos mo na yung pera mo last month.  Utang na lang muna.  Kailangan maidaos ng sagana ang pasko.  Paano na lang pag maraming mamasko, baka sabihin, “poor ka!”.  Eh New Year pa?! 
Kumusta naman ang isang taon mo, kabayan?  Paano ang iba pang okasyon like BIRTHDAYS o kaya BINYAGAN?  Ooops... Piyesta pa nga pala.  Eh yung emergencies pa like magkasakit, maospital o iba pang gastusing hindi inaasahan?

Ahhh, oo nga may mauutangan naman pala.  Nandiyan naman sina Mommy at Daddy, si Kuya at si Ate.  Tutulong naman sila.

Sa tingin mo kabayan, kapag ganito ng ganito ang takbo ng buhay mo taun-taon, anong bukas ang naghihintay sa iyo at sa pamilya mo?  Anong future ang maibibigay mo sa mga anak mo?...

Paano kung wala nang magpautang sa ‘yo?...  Paano kung hindi na puwedeng hiraman sina Mommy at Daddy, sina Kuya at Ate?...

Balik ulit tayo sa JANUARY...

“If you always do what you’ve always done, you always get what you’ve always got”



This article is originally written from a post by Richard Macalintal.  Special Credit to the person.  Some are edited and inserted to provide more info.    

No comments:

Post a Comment